Walong Taong Gulang

Standard

Blogpost_Crisostomo-01 Blogpost_Crisostomo-02 Blogpost_Crisostomo-03 Blogpost_Crisostomo-04

Ginawa ni Jessica Crisostomo

Mga Sangguniang Ginamit:

Department of Budget and Management. 2012. 25 September 2014. <http://budgetngbayan.com/summary-of-allocations/&gt;.

ABS-CBN. 19 July 2014. 25 September 2014. <http://www.abs-cbnnews.com/focus/07/19/13/who-are-poor-philippines&gt;.

Dios, Angel C. De. 12 June 2014. 25 September 2014. <http://philbasiceducation.blogspot.com/search/label/School%20Drop-outs&gt;.

Ordinario, Cai. 27 April 2013. 25 September 2014. <http://www.rappler.com/business/27276-poorest-provinces-philippines&gt;.

Advertisements

6 responses »

  1. Masarap sa mata ang blog entry na ito, maiintriga kaagad ang magbabasa kung ano ang nilalaman ng entry na ito. Ang mga kulay at font na ginamit sa entry ay madaling basahin at hindi contradicting sa komposisyon. Medyo mahaba ang entry ngunit organisado naman ang pagkakahati nito kaya’t okay lang. Ang introduksyon sa unang parte ay malinaw na nagbigay ng impormasyon sa may akda ng kuwento at sa buod ng istoryang tinatalakay. Naipakita rin dito ang nais italakay ng manunulat ng blog entry na ito.

    Maraming impormasyon ang blog entry na ito sapagkat hindi lamang siya isang reaksyon mula sa storyang nabasa. Ipinaliwanag dito ang bigat at pahiwatig ng storya sa mas malawakang implikasyong pang-sosyolohikal at implikasyon nito sa ating lipunan. Nailabas ng manunulat ang storya patungo sa daloy ng tunay na buhay kaya’t maganda siyang basahin. Maraming impormasyon na makakalap at mahuhugot mula lamang sa storyang inalisa ng manunulat ng blog entry.

    – Fatima Lopez

    Like

  2. Isa sa aking paboritong blog ay ang natatanging blog na ito ni Jessica Crisostomo. Natatangi ito dahil siya lang ang nagiisang gumamit ng ganitong porma ng blog, at ito ang isa sa dahilan kung bakit ko ito nagustuhan. Hindi lang dahil sa ito ay natatangi ngunit dahil ito rin ay pasok sa panahon ngayon. Alam naman nating lahat na sa panahon ngayon ay talamak ang mga bagay na “instant,” mula sa pagkain hanggang sa impormasyon, at dahil dito ay naging mainipin ang mga tao, lalo na kaming mga kabataan. Kaya ko nasabing pasok ito sa panahon ngayon ay dahil mas madali, mas mabilis kumbaga, mas “instant” ang ganitong porma ng blog. Mas madali at mabilis ko siyang nabasa’t naintindihan at tiyak na ganito rin ang mangyayari sa ibang mga magbabasa na karamihan ay mga estudyante (kabataan). Madalas rin akong tamarin magbasa ngunit dito sa blog na ito ay hindi ako tinamad dahil nga sa porma nito.

    Isa pang dahilan ay ang epektibong pagbase niya sa ibang perspektibo (sosyolohikal), pagbibigay ng mga katotohanan (facts) at pati na rin ng kanyang sariling opinyon na hindi lang makatutulong sa iba pang mag-aaral, na tunay na dahilan ng gawaing ito, ngunit makatutulong rin ito upang mabuksan ang kanilang mga mata sa tunay na kalagayan ng ating lipunan. Nabanggit ko na kanina na ang mga kabataan ngayon ay mas gusto ng “instant” na mga bagay-bagay at nabanggit ko rin na ang blog na ito, para sa akin, ay mas madali at mas mabilis maintindihan. Kaya dahil dito, sa tingin ko ay magiging epektibo ang blog na ito sa pagbibigay ng tulong at impormasyon sa mga magbabasa.

    Ang huling dahilan ko ay simple lamang, ito ay dahil maganda ang blog na ito sa aking paningin at sa tingin ko ay maraming magbabasa ang magagandahan rin sa blog na ito. Tunay na maganda, makabuluhan, impormatibo, may laman, at katangi-tangi ang blog na ito. Good Job! 😀

    Like

  3. (I’aapplaud muna kita sa aesthetics ng post. WOOOOOOH IKAW NA ATENG ILLUSTRATOR :D)

    Maganda naman ang adhikain ng guro. ‘Yun nga lang, tama ang sinabi mo, tip of the iceberg. Shallow. Sa depensa niya, mahirap mapunta sa ganoong konklusyon kung hindi niya ito naranasan. Hindi man lamang niya naisip na ganito ang sitwasyon, dahil (siguro) maganda (relatively) ang kaniyang buhay. Bilang tao siya, naiintindihan ko. Bilang guro siya sa isang pampublikong paaralan sa isang bansang problema ang nginunguya bawat oras ng bawat araw, isang pagkukulang.

    Ultimately, hindi niya kasalanan. Collateral damage si Leoncio, gaya ng karamihan sa herenasyon ngayon. Collateral damage ng kaliwa’t kanang pagkakamkam ng kayamanan ng mga politikong sakim, collateral damage ng mga taong nakaluklok sa trono ng wala ni katiting na malasakit para sa bayan, ng mga taong walang pake. Isang produkto ng lisyang pamamahala ng gobyerno.

    Like

  4. Sa lahat ng blogs sa klase natin, it ang pinakanakakatawag pansin. Ikaw na magaling mag-illustrate. Nagbeblend ang mga topic sa bawat picture ni ipinapakita. Ang pinakapaborito kong illustration ay yung sa “Implikasyon”. Pinakita sa gitna ang mga isyu ng buhay na pinakamahalaga sa kwento tulad ng gutom, malnuttrisyon at kahirapan. Napakacreative talaga ng pagkakagawa.

    Ngayon, tungkol sa nilalaman: maganda ang flow ng pagtalakay nito. Nagsimula sa pagintroduce sa kwento at awtor, konteksto ng kwento, pag-aanalisa ng kwento mismo, at sa huli ay ang sarili mong mga opinyon sa kwento. Maganda siya dahil hindi malilito ang mambabasa sa gusto mong sabihin dahil ang bawat parte ay paghahanda para sa susunod na parte. Ang isa pang bagay na pinaka nagustuhan ko dito ay ang pagaanalisa at pagsusuri niya sa kwento ng hindi direktang binubuod ang kwento, ‘di tulad sa ibang mga blog sa ating klase. Kasi, natalakay na natin iyon sa klase at ang blog na ito ay isang paraan para makakita ng bagong impormasyon at ga opinyon sa bawat teksto.

    Pero ‘di nga: pano ka nakakaisip ng ganitong illustrations??

    Like

  5. [Una sa lahat ng dapat mauna: ‘Te ikaw na illustrator! 😀 Wow! Ganda ng inforgraphics mo po! Proud classmate here! :)) Ikaw na talaga, bigyan ng jacket! Lols ]

    Ok! So given na maganda talaga ang uri at porma ng blog niyo 🙂 Naks! Naiinggit ako, paturo pls! lols 😀 Sa totoo lang tamad ako magbasa ng blog, kasi plain siya (mostly) tingnan pero dahil masarap sa mata ang blog na ito, nakakahumaling bigyan ng pansin at oras upang basahin din ang nilalaman nito. A for aesthetics, A for effort! You already 😀

    Maganda rin ang daloy ng pag-aanilisa ng kwento sapagkat sinimulan ito sa synopsis ng teksto, konteksto at sariling paghihimay mula sa perspektibo ni Bb. Crisostomo. May balangkas na sinusundan kung kayat madaling maunawaan at sundan. Maganda ring ipunto na dahil talamak parin sa ating lipunan ang parehong kalagayan sa teksto ay mahusay niya ring naitawid ang kanyang mga opinyon.

    Medyo nagulat lang ako sa depinisyon ng PAMILYA. Hindi kasi ako naniniwalang grupo lamang ito ng magkakadugo at naninirahan sa isang bubong. Nagbabago na kasi ngayon ang kahulugan at konteksto nito kung kaya’t mas magandang nakaayon tayo sa pagbabago ng kontektsto ng pamilya in general. Pano pala pag ampon? Di ko na kapamilya kasi di ko kadugo? Pano pala ang mga bata sa bahay ampunan? Pano pala ang mga magulang na malayo sa kanilang tahanan? Mga ganung sitwasyon, kahit ako kasi, personally, hindi ko kadugo ang pamilya ko, ngunit dapatwat subalit, pamilya ko ang kahit sinong nagmamahal at nag-aaruga sa akin. Boom! Hugot! Lols.

    Pero opinyon ko lang iyun, siguro binatay din ng blogger ang kanyang depinisyon ng pamilya ayon sa konteksto ng kwento 🙂 But overall, maganda talaga. May sense. At higit sa lahat, timeless.

    Ikaw na po ate! :)) Kudos!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s