Lumuhod Kayo’t Mamumuno Ako

Standard

Lumuhod Kayo’t Mamumuno Ako

Ang Lumuhod Kayo’t Mamumuno Ako ay isang dagling isinulat ni Bulalakaw na pumupuksa sa pagsakop ng Amerika sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang orasyon.

Sa kasalukuyan, ang mga ipinagdadasal noong panahon ng pananakop ng Amerika ay patuloy na dinadaing at itinataghoy ng ating mga kababayan. Hindi man orasyon o dasal ang ginagamit nila upang iparating ang kanilang mensahe sa mga taong nasa kapangyarihan, parehas pa rin ang hinain ng ilan nating mga kababayan. Patuloy pa rin ang pananakop ng US sa Pilipinas sa pamamagitan ng EDCA o Enhanced Defense Cooperation Agreement na siyang magbabalik ng mga miltary bases ng mga Amerikano sa Pilipinas. Ibinabalik ito nang walang renta, kasunduan o limitasyon kung kaya’t maaring gamitin ng mga dayuhan ang ating mga militar na pasilidad kung kailan at kung papaano nila gusto. Aasahan din na dadami ang mga tropang Amerikano na mananatili dito sa ating bansa.

Kasabay ng EDCA ang pagbukas ng pangulo sa ideya ng Charter Change o Cha-Cha na hindi lang magdudulot ng term extension para sa kanya. Ito rin ay magdudulot ng maaring 100% foreign ownership ng mga lupa at industriya sa Pilipinas.

Ang mga hinaing laban sa mga isyung ito ang siyang isinisigaw sa mga kilos-protesta, ang siyang mga ipinipinta sa plakard ng mga malawakang paggalaw, ang siyang mga tema ng mga awit na naghahangad ng pagbabago.

Hanggang sa ngayon, nakatali pa rin ang ating bayan sa puwersa ng US. Lumipas man ang panahon, hindi pa rin tuluyang malaya ang bansang Pilipinas.

Mga pinagkuhaan ng mga larawan:

OBAMA OUT-http://i.dailymail.co.uk/i/pix/2014/04/28/article-2614715-1D6A7DF800000578-917_634x426.jpg TIME IS UP-http://bulatlat.com/main/uploads/2009/05/27/anti_vfa.jpg DASAL NG BAYAN-http://pinoyweekly.org/new/wp-content/uploads/2012/07/DSC_7210.jpg JUNK VFA-http://www.arkibongbayan.org/2009/2009-02-Feb25-vs%20vfa/pix/march/IMG_3386lead.JPG

Para sa karagdagang impormasyon:

Ukol sa EDCA:

http://globalnation.inquirer.net/106296/bayan-muna-edca-wont-help-ph-stand-up-vs-china

http://www.bayanmuna.net/bayan-muna-edca-patently-unconstitutional/

Ukol sa Charter Change:

http://bulatlat.com/news/5-48/5-48-chacha.htm

http://www.bayanmuna.net/bayan-muna-rep-neri-colmenares-on-the-upcoming-sponsorship-speech-for-charter-change-cha-cha-this-afternoon/

This slideshow requires JavaScript.

Kamay, Kubyertos, Sipit

Standard

Kamay, Kubyertos, Sipit

Ang Kamay, Kubyertos, Sipit ay isang dagli ni Matilde Tinigilan na tinatalakay ang impluwensya ng mga Amerikano sa pamamaraan ng pagkain gamit ang tinatawag na domestic science na siyang nagtuturo sa mga Pilipinong na kanilang sinasakupan ang wastong asal sa hapagkainan.

Ang pagkain ay hindi nawawala sa kulturang Pinoy. Tuwing may piyesta, selebrasyon o kahit sa ordinaryong araw, pinapahalagahan at pinaghahandaan ng mga Pilipino mula sa kahit anong estado ng buhay ang nakahain sa kanilang mga mesa.

Ang lamesa ay hindi lang nagiging hapag ng mga masasarap na putahe. Ito rin ay nagiging isang hapagkainan ng kwentuhan at masayang salu-salo.
Dito rin matutuklasan ang ilan sa mga tradisyon ng Pilipino pagdating sa pagkain. Ang mga tradisyong ito na siyang iba-iba ang siya ring sumasalamin sa kultura at paraan ng pamumuhay ng isang Pilipino.

Ayon kay Judith Fein ng Psychology Today, ang paraan ng pagkain ng isang tao ay microcosm ng kanilang paraan ng pamumuhay. Ang depinisyon ng Merriam-Webster Dictionary sa microcosm ay tumutukoy sa isang bukluran o maliit na daigdig na nakapaloob sa higit pang malaking pagbubuklod. Dahil ang mga pagkilos sa lamesa ay itinuturing na isang microcosm, sinasalamin ng mga asal ng bawat tao rito ang kanilang kinasanayan, pinanggalingan at kagawian sa pangaraw-araw na buhay.

Isa sa mga halimbawang madalas kong makita ay nagaganap sa mga formal dinners o parties na minsan ko nang dinaluhan. May mga ilang tao na hindi sanay sa paggamit ng tinidor at kutsilyo (at inaamin kong isa ako sa mga ito) sa pagkain kung kaya’t sila ay kadalasang tumatagal at kung minsa’y di nakakakain ng mabuti. Minsan, hindi lang tinidor at kutsilyo ang kalaban ng mga dumadalo sa mga selebrasyon na ito. Kalbaryo rin para sa kanila ang engrandeng table setup sapagkat hindi nila alam kung para saan ang gamit ng bawat kubyertos na nakalagak sa kani-kanilang mga puwesto.

Sa halimbawang ito maari nating masabi na hindi sanay o kulang ang nalalaman ng ilang Pilipino sa paggamit ng kubyertos.

Maaring hindi tinuruan ng mga magulang ang tao na gumamit ng kutsilyo at tinidor. Maari rin namang tinuruan ngunit hindi sanay at mas nais pa rin gumamit na lamang ng kutsara o kamay.

Ang mga bata ang kadalasang nahihirapan sa mga engradeng setup kung kaya’t makikita natin ang kaugnayan ng ayos at asal sa lamesa sa mga manners o kagawian na itinuturo ng mga magulang o ng mga institusyon kagaya ng paaralan sa kabataan ngayon. Nadadala ito sa pagtanda kung kaya’t may mga hindi pa rin alam kung paano gamitin ang samu’t saring kubyertos tuwing nahaharap dito.

Ang konsepto ng “domestic science” ng akda ay nananatili hanggang sa ngayon sa mga paaralan bilang HELE o TLE subalit bakit kinakailangan nito maging isang agham o bakit kailangan ituro ng mga institusyon ang wastong paraan ng pagkain at pamumuhay? Bakit kailangan idikta ng mga institusyon na ito na kadalasang kinikilingan ang may kapangyarihan ang wasto at hindi wasto?

Maari rin nating ipunto ang pag-iral ng mga social classes sa lipunang Pilipino. Kadalasan kasi ang mga sanay na gumamit ng kubyertos o gamay na gamay ang mga engrandeng table setup ay mga taong madalas na dumadalo sa mga formal dinners o kumakain sa mga establishimiyentong gumagamit madalas ng kutsilyo at tinidor. Makikita na kahit sa paraan ng pagkain ay mayroong demarcation line sa pagitan ng mahihirap at mayayaman sa lipunang Pilipino.

Dito papasok ang isa ko pang halimbawa na ukol naman sa pagkamay.

Ang pagkamay ay kadaladang ginaawa sa mga rural na pook o sa mga tahanan. Kadalasang nakikita ang pagkamay bilang pang-masang paraan ng pagkain. Ayon pa nga sa isang patalastas ni Phil Younghusband, ang pagkain gamit ang kamay ay “so primitive.”

Bagamat ito ay mas komportable kumpara sa kubyertos at sipit, hindi magkakamay ang isang tao sa mga pampublikong lugar o sa isang dadaluhang okasyon sapagkat mararamdaman nito ang pagkahiya. Siguro ay dahil na rin ito sa pagiging malinis na isa pang katangian at pinahahalagahan ng mga Pilipino. Ayaw nilang magmukhang “dugyot” o masabihan ng marumi sa paraan ng pagkain. Maari rin naman hindi nila gustong mapauri bilang mahirap o parte ng masa kung kaya’t mas titiisin nila ang pagkain gamit ang kutsilyo at tinidor. Maari rin na ito ay dahil sa kagustuhan ng Pilipino na umayon sa kanyang social norms sapagkat kaakibat ng pagkakaroon ng social norms ang kagustuhan ng indibidwal na sumunod dito. (Joly, Stapel & Lindenberg, 2008)

Ang hindi pagsunod sa mga social norms na ito ang nagreresulta sa pagiging parte ng mga taboos ang kilos ng tao sa lipunan, ang taboo rin na siyang dinikta ng kanyang kinagagalawan.

Mayroong isang popular na kasabihan na hindi ka raw tunay na Pilipino kung hindi ka nagkakamay.
Ang pagkamay, na siyang nakuha natin sa ating mga ninuno bago pa man dumating ang nga Kanluranin upang sakupin tayo, ang isa sa mga kagawian na matagal nang nananalaytay bilang marka ng pagiging Pilipino. Subalit, sa panahon na tila sinubukan na ng Westernisasyon at globalisasyon, ang pagiging tunay na Pilipino ay pilit na itinataboy ng mismong lipunan kanyang kinabibilangan upang higit na paboran ang kultura ng iba sapagkat ito ay mas pormal, mas maganda o mas kinikilala ng daigdig. Ito ang microcosm o paraan ng pamumuhay ng Pilipino ngayon—pilit nating binabago at kinakalimutan ang ating tunay na identitidad sapagkat nakikita natin na ang iba’y mas higit pa sa atin.

Makikita na kahit sa hapagkainan na pinahahalagahan ng Pilipino ang unti-unting pagbura sa ating tunay na kultura upang makahon ang ating mga sarili sa isang komon social norm. Nakakalungkot man ito isipin subalit maski sa pangaraw-araw na bagay gaya ng hapagkainan napapakita ang pangingibabaw ng patuloy na nararanasang class struggle at impluwensyang Kanluranin sa ating bansa. Ngunit bilang mga Pilipino, tayo’y hindi dapat mawalan ng pag-asa na kaya pa ring manatili ang isa sa mga kustom o tradisyon natin sa hapagkainan. Ang masa, na siyang binubuo ang karamihan ng bansa, ang siyang magpapabago sa elitistang pamamaraan ng pagkain at sa pamamagitan nito ipapanumbalik ang tunay na kultura ng Pilipino at wawasakin ang idinidiktang wastong asal ng mga nakaluklok sa trono ng kapangyarihan sa ating daigdig.

Para sa karagdagang impormasyon:

Decolonizing the Filipino: Cultural Intellectual Revolution in Contemporary Philippines:
http://cct.pa.go.kr/data/acf2006/aycc/aycc_1402_Erwin%20Soriano%20Fernandez.pdf

History of Chopsticks (Sipit):
http://www.history.com/news/hungry-history/a-brief-history-of-chopsticks

History of Spoons, Forks and Knives (Kubyertos):
http://www.todayifoundout.com/index.php/2013/10/history-spoons-forks-knives/

Silence and Table Manners: When Environments Activate Norms
http://www.gmw.rug.nl/~lindenb/documents/articles/2008_Joly_Stapel_Lindenberg_Silence_and_table_manners_norms.pdf

Taboos and Identity: Considering the ‘Unthinkable’:
http://rady.ucsd.edu/faculty/directory/gneezy/pub/docs/taboo.pdf

Urbana at Feliza ( ito ang akdang tinugon ng dagli ni Tinigilan):
Full copy:
https://archive.org/stream/pagsusulatannang15980gut/15980-8.txt

Pag-analisa:
http://www.philippinestudies.net/ojs/index.php/ps/article/viewFile/470/477

Walong Taong Gulang

Standard

Blogpost_Crisostomo-01 Blogpost_Crisostomo-02 Blogpost_Crisostomo-03 Blogpost_Crisostomo-04

Ginawa ni Jessica Crisostomo

Mga Sangguniang Ginamit:

Department of Budget and Management. 2012. 25 September 2014. <http://budgetngbayan.com/summary-of-allocations/&gt;.

ABS-CBN. 19 July 2014. 25 September 2014. <http://www.abs-cbnnews.com/focus/07/19/13/who-are-poor-philippines&gt;.

Dios, Angel C. De. 12 June 2014. 25 September 2014. <http://philbasiceducation.blogspot.com/search/label/School%20Drop-outs&gt;.

Ordinario, Cai. 27 April 2013. 25 September 2014. <http://www.rappler.com/business/27276-poorest-provinces-philippines&gt;.